- 歌詞
- 專輯列表
- 歌手介紹
Noel Cabangon
-
Awit Kay Gabriel
Tulad mo'y isang binhing sumisibol Sa gitna ng maalong paligid Ikaw ay isang musmos Sa mundo na 'kala mo'y paraiso.
Ibig kong iduyan ka sa 'king mga bisig Hahagkan at yayakapin nang mahigpit Hahanda ko ang daigdig May pag-ibig sa paligid.
Darating din ang tamang panahon Mahihinog at kayang harapin ang mga hamon Mauunawaan, ang mundo'y maiintindihan Pasiku't-sikot, mahaba't makipot na daan.
-
|